Advertisers
DAHIL siguro sa napakalaking pabor ang nakuha ng mag-utol na Senador Alan Peter at Pia Cayetano kay dating Pangulo Rody Duterte ay itinaya na nila ang kanilang buong pagkatao, ang political career at law profession sa pagtatanggol sa Dutertes.
Oo! Talagang nagpapakasira na sila Alan at Pia sa mga Duterte. Todo pagtatanggol sila sa mga ito kahit batid nilang baluktot ang pinaggagawa ng mga Duterte partikular nina Vice President Sara at ex-President Digong.
Si Sara ay kasalukuyang nahahaharap sa impeachment trial sa Senate Impeachment Court dahil sa mga natuklasang katiwalian simula nang maging mayor siya ng Davao City at maging Bise Presidente ng bansa.
Sa trial, sa halip na maging neutral sina Alan at Pia bilang mga Judge ay lantarang ipinagtatanggol nila si Sara. Masasabi ngang bahagi na sila ng defense team ni Sara. Wala silang paki kahit gaano kasolido ang ebidensiya ng katiwalian laban kay Sara. Basta sila tiyak boboto para hindi mapatalsik ang Bise Presidente.
Ang malas lang nila ay mahuhusay ang abogado ng prosecutors. Hindi nila naililigaw ang mga ito, pinamumukha pa sa kanila ang batas, ang mga desisyon ng Korte Suprema.
Kaya nga para lang hindi mapahiya si Pia sa paglampaso sa kanya ni House prosecutor Chel Diokno ay in-edit niya ang kanilang baliktaktakan at pinost.
Pero lalo siyang nagkaproblema sa ginawa niyang ito. Katakot-takot na batikos ang inabot niya sa nakakaintinding netizens lalo sa mga abogado at law professors.
May mga naghihikayat na ipa-disbar si Pia dahil napaka-unprofessional ang ginawa niya. Bawal kasi sa mga abogado ang baliin ang tunay na pangyayari para lang palabasing siya ang tama at ipahiya ang katunggali.
Alam ni Pia na mortal sin sa kanilang mga abogado ang kanyang ginawa kaya kagyat niya itong binura. Pero marami ang naka-screen shot, gagamitin daw ebidensiya sa pagsampa ng disbarment laban sa senadora. Patay kang Pia ka!
Anyway, hindi rin naman kaagad madi-disbar si Pia sa kanyang ginawa. Maaring bigyan lang siya ng babala ng Korte Suprema kung first time n’ya palang itong manloko.
Si Alan naman, sobrang pinapahiya ang kanyang mga kapwa abogado at maging ang kapwa senador. Kaso nakatapat siya ni Sen. Ping Lacson.
Kinakalkal ngayon ni Lacson ang kanyang mga “katiwalian” sa Taguig City.
Matindi mag-away ang mga bakla. Kalkalan ng baho. Hehe..
Kaya siguro halos magpakamatay ang mag-utol na Cayetano sa Duterte ay dahil sobra sobrang paldo sila noong pangulo si Digong, base narin sa mga expose ni Lacson.
Kay Digong daw sila nagkaroon ng bilyones. Mismo!
Ito ang bilyones na kinakalkal ngayon ni Lacson.
Pramis ni Pinky, ipakukulong niya si Petra. Ehek!
Subaybayan!