Advertisers

Advertisers

May imbestigasyon nga ba, Spokes Claire?

0 4

Advertisers

NOON lang Mayo 18, ibinida ni Palace spokesperson Atty. Claire Castro na “iniimbestigahan” na si Mindanao State University (MSU) president Atty. Paisalin Pangandaman Tago batay sa mga reklamong ibinato sa kanya ng mga estudyante, mga magulang at ilang faculty members kaugnay ng kanyang pagpapatakbo sa nasabing university.
Ayon pa kay Atty. Claire, ang imbestigasyon ay ipinasa sa tanggapan ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Shirley Agrupis.
Anyare sa sinasabing imbestigasyon, Atty. Claire?
Dalawang buwan na ngayon ang nakaraaan pero, may imbestigasyon nga bang ginawa o ginagawa ang CHED? O, “mema” lang (may masabi) lang si Atty. Claire sa nasabing isyu?
Nagrereklamo naman ang kapatid natin sa media dahil hindi rin daw nila “mahagilap” si Chairperson Agrupis para magbigay linaw sa estado ng imbestigasyon— kung meron nga.
“Tamang hinala” ang mga miron sa sinasabing imbestigasyon ng Palasyo dahil alam kasi sa buong MSU Community na “nasungkit” ni Atty. Tago ang kanyang puwesto sa tulong ng kanyang “pinsan”, si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman na kilalang “bagyo” ang impluwensiya kay PBBM. Mismo!
Nag-resign noong Nobyembre si Secretary Amenah (para siguro hindi na maimbestigahan sa naging papel sa bilyones na flood control project scam) pero balik-puwesto ulit ngayong buwan bilang bagong ‘Chairman/CEO’ ng Al-Amanah Islamic Investment Bank. Malakas talaga!
Naungkat ang CHED probe kay Atty. Tago dahil may bago na naman palang kontrobersiya sa MSU, hays!
Sa official FB page parin ng MSU Community, inakusahan naman si MSU Executive Vice President Dr. Abdulcader Maruhom Ayo ng mga anomalya!
Si Atty. Tago ang nagpuwesto kay Dr. Ayo, ayon pa sa mga miron.
“Burado” na ngayon ang mga naging banat kay Dr. Ayo at napalitan na ng mga komento na nagtatanggol sa kanyang integridad at kredibilidad.
Sa asinta naman ng mga miron, hindi nakatutulong ang pagiging “makupad” ng Palasyo at CHED sa imbestigasyon sa mga kaganapan ngayon sa MSU sa ilalim ni Atty. Tago.
Sa halip kasing mabawasan ang mga isyu, nadaragdagan pa.
Tuldukan!
***
As expected, kanya kanyang sagawa ng kontra SONA ang ilang DDS Senators tulad ng mag-utol na Alan at Pia Cayetano, habang ang isa pang DDS Senator na si Robin Padilla panay ang pakalat ng kanyang kabobohan.
\
Ano pa nga ba ang maaasahan mo sa mga senador na ito na kumamal ng todo todo at nabigyan ng napakalaking pabor nung termino ni Digong Duterte. Mga basura!