Advertisers
SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang steel company na umano’y nagsuplay sa gumuho na ginagawang hotel sa Angeles City, Pampanga.
Partikular ang Chuangxing Steel Incorporated na gumagawa umano ng radioactive materials at substandard na mga bakal.
Sa press conference, sinabi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na ginamit sa ilang bahagi ng gusali ang mga bakal ng ni-raid na pasilidad, batay sa nakitang markings ng mga awtoridad.
Sinisilip din, aniya, nila ang posibilidad na ginamit ang substandard materials nito sa flood control projects lalo’t kalat ang mga produkto nito sa merkado.
Sa operasyon, arestado ang 4 katao, at nasagip sa hazardous condition ang halos 400 manggagawa kabilang ang 347 Pinoy at 37 Chinese workers.
Sampu sa mga manggagawa ang natukoy ng Department of Health na may suspected occupational radiological exposure dahil sa alpha at gamma-emitting radioactive materials sa pasilidad.
Inirekumenda ng NBI ang pag-usig sa 12 company officers, incorporators at stakeholders kasama ang mga nahuli.
Armado ng search warrant, kumpiskado ng NBI at PAOCC ang mahigit P3 billion radioactive-bearing at substandard finished steel products ng kumpanya.
Nadiskubre rin ang extensive labor at occupational safety violations, kabilang ang wage-related violations, kabiguang magbigay ng mandatory employee benefits at kakulangan ng personal protective equipments.
Agad na ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources, at iba pang concerned agencies ang pagtigil ng operasyon ng kum-panya upang mapigil ang distribusyon ng hazardous construction materials.
Nagbabala sina Matibag at PAOCC Executive Director Benjamin Acorda sa mga may kaparehong negosyo na sumunod sa batas dahil nakasangkalan ang kalusugan ng publiko na nanganganib madale ng cancer.
Nakikipag-ugnayan narin sila sa Department of Trade and Industry at mga kontra-tista dahil maaari raw na magamit ang mga produktong ito sa pagpapatayo ng mga bahay, paaralan, ospital, tulay, evacuation center, government building, at iba pang kritikal na imprastratura.
Nahaharap ang mga ina-resto sa patong-patong na asunto gaya ng paglabag sa Philippine National Nuclear Energy Safety Act, Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, Philippine Clean Air Act at Consumer Act of the Philippines. – Mula sa DZRH News