BOC-Port of Subic, Winasak ang P430-M Halaga ng Inabandonang Bapor ng Sigarilyo
Advertisers
Bilang pagpapakita ng walang-kompromisong paninindigan laban sa ilegal na kalakalan, pormal nang isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang pagwasak sa 40 units ng 10-foot shipping container na naglalaman ng mga ilegal at iba’t -ibang tatak ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P430 milyon.
Kasalukuyang isinasagawa ang proseso ng pagwasak sa pasilidad ng Legacy 88 Recyclable Materials Collection Services sa Santa Maria, Bulacan.

Sa pamumuno ni District Collector Atty. Geniefelle Lagmay, naipatupad ang operasyon sa ilalim ng opisyal na declaration of abandonment alinsunod sa Seksiyon 1129 (b) ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Muling pinagtibay ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang dedikasyon ng ahensya sa integridad sa kabuuan ng proseso. Binigyang-diin niya na ang mahigpit at napatutunayang mga tuntunin sa pagtatapon ay mahalaga upang maiwasan ang hindi awtorisadong pagkalat o muling pagbebenta ng mga kumpiskadong kalakal.
Sa ilalim ng mga probisyon ng batas, ang mga imported na kargamento na hindi kinukuha lagpas sa itinakdang panahon ay awtomatikong isinasailalim sa pag-relye at pagwasak, upang mapangalagaan ang pambansang koleksyon ng buwis, maprotektahan ang legal na kalakalan at maitaguyod ang mga pamantayan sa pampublikong kalusugan.
Upang matiyak ang lubos na ‘transparency’, pagsunod sa batas at pangangalaga sa kapaligiran, ang proseso ng pagtatapon ay magkatuwang na pinangangasiwaan ng mga pangunahing regulatory at intelligence body: Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI), National Tobacco Administration (NTA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Pinuno ng BOC Central, Office of the Commissioner (OCOM) sa pamumuno ni Col. Jess Tabor at ng kanyang delegasyon, Intelligence Group – Office of the Deputy Commissioner sa pamumuno nina Atty. Uy at Arjo Gonzales, Pinuno ng BOC Port of Subic, Subic Enforcement Group, Subic Intelligence Group at Ronald Pingoy Arzadon, Chief ng Auction and Cargo Disposal Unit at Concurrent Chief ng Formal Entry Division.
Ang mga kinumpiskang sigarilyo ay isinasailalim sa sistematikong pisikal na pagwasak upang tiyaking hindi na magagamit bago ito i-recycle nang ayon sa pamantayang pangkalikasan, na epektibong nagpapasawalang-bisa sa ilegal na pangkat sa likod ng nasabing kargamento. (JERRY S. TAN)