Advertisers
Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado ng ahensiya na ipinagbabawal ng batas at may katapat na parusa ang pagtanggap ng regalo, pabor o pasasalamat o iba pang may monetary value habang tinu-tupad ang tungkulin.
Ito ay nakasaad sa ipinalabas na memorandum ng DILG nang makatanggap ng report na may ilang tauhan ang gu-magamit ng kanilang puwesto para makapag-solicit ng pera, regalo at iba pa mula sa mga pribadong indibidwal, national government agencies at local government units (LGUs).
Binigyang diin ng DILG na alinsunod sa Section 7 of Republic Act (RA) No. 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, bawal sa public officials at empleyado na mag-solicit, manghingi at tumanggap ng anumang regalo, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang monetary value habang nasa tungkulin o may kinalaman sa anumang transaksyon na apektado ang tungkulin sa opisina.
Niliwanag ng DILG na ang sinumang mapapatunayang magkakasala rito ay maaaring madismis sa trabaho at makasuhan.
Sa mga tatanggap ng regalo may kinalaman sa transaksyon sa gobyerno ay maaa-ring makasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may isa hanggang 10 taong kulong, perpetual disqualification sa public office at pagkumpiska sa hindi maipaliwanag na yaman.