Advertisers
Ibinunyag ng internet personality at doktor na si Willie Ong na ang kanyang asawang si Dra. Anna Liza Ramoso-Ong o mas kilalang Doc Liza ay na-diagnose ng breast cancer habang siya naman ay patuloy na lumalaban sa stage 4 sarcoma.
Sa isang vlog na inilabas July 28, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pinagdaraanan at ang kasaluku-yang gamutan ni Doc Liza.
Ayon kay Doc Willie, sumasailalim na ngayon sa chemotherapy ang kanyang asawa.
“Twelve sessions ng chemo, nakakaanim na siya kaya nakita n’yo, medyo nakakalbo na… ang plano, after 12 weeks of chemo, surgery. So, mastectomy, tatanggalin ‘yung right breast niya,” ani Doc Willie.
Ikinuwento naman ni Doc Liza na matagal na niyang mino-monitor ang mga bukol sa kanyang dibdib dahil mayroon silang family history ng breast cancer.
“Meron po akong mga bukol-bukol sa aking breast na binabantayan ko for the last 20 years. ‘Pag sinabing BI-RADS 2, ibig sabihin benign lang… biglang may tumubong bukol saka may breast pain. Bagong bukol lang siya, parang dati wala,” aniya.
Ayon kay Doc Liza, invasive ductal carcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng breast cancer, ang na-diagnose sa kanya. Aniya, nasa maagang yugto (early stage) pa ito.
Samantala, ibinahagi rin ni Doc Liza na nananatiling stable ang kondisyon ni Doc Willie at patuloy na sumasai-lalim sa immunotherapy at targeted therapy.