Advertisers

Advertisers

Senador Villar: “Mas abot kamay ang kinabukasan ng ating kabataan sa pagsasabatas ng Last Mile at GIDA Schools Act”

0 4

Advertisers

Pasay City — Bilang co-author ng panukala, ikinagalak ni Senador Mark A. Villar ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12321, o ang Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, na aniya’y isang mahalagang reporma upang higit na mapalawak ang access sa dekalidad at inklusibong edukasyon para sa mga mag-aaral sa mga pinakamalalayo at pinaka-nangangailangang komunidad sa bansa.

Sa ilalim ng batas, ang mga Last Mile at GIDA schools ay tumutukoy sa mga pampublikong paaralan na matatagpuan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas, mga paaralang may hindi bababa sa 75 porsiyento ng mga mag-aaral na kabilang sa mga Indigenous Peoples (IPs), at mga paaralang nasa mga komunidad na apektado ng armadong tunggalian, kawalan ng seguridad, panganib ng kalamidad, o iba pang sitwasyong kinikilala ng Department of Education (DepEd) bilang hadlang sa dekalidad na edukasyon.

Ayon kay Villar, marami sa mga paaralang ito ang patuloy na nahaharap sa kakulangan ng mga silid-aralan, suplay ng kuryente at internet, malinis na tubig at pasilidad sa sanitasyon, sapat na mga kagamitan sa pagkatuto, at mga guro. Dahil dito, lalong lumalawak ang agwat sa kalidad ng antas ng edukasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

” Hangad natin na sa batas na ito, mababawasan ang mga balakid tungo sa dekalidad na edukasyon na kasalukuyang kinakaharap ng Last Mile at GIDA schools,” diin ni Villar.

Sang-ayon sa bagong batas, ang Department of Education ang mangunguna sa pagpapatupad ng isang komprehensibo at pangmatagalang programa para sa mga Last Mile at GIDA schools sa pamamagitan ng mas maayos na pagpaplano at implementasyon, tuloy-tuloy na pondo, at mas matatag na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Bibigyang prayoridad ng programa ang pagpapaunlad ng mga pasilidad ng paaralan, pagpapalawak ng internet connectivity, deployment at trainingng mga guro, sapat na learning resources, at iba pang mahahalagang serbisyong pang-edukasyon.

Kinikilala rin ng batas na higit pa sa kakulangan ng imprastraktura ang mga hamong kinahaharap ng mga paaralan sa malalayong lugar. Kaya naman isinusulong nito ang mas angkop at komprehensibong mga programa tulad ng alternative learning modalities, mas angkop na staffing standards at funding formulas, karagdagang learning tools at kagamitan, school feeding, mga serbisyong pangkalusugan at psychosocial, maaasahang access sa tubig, sanitasyon at kuryente, pagsasama ng Indigenous Knowledge Systems and Practices sa mga komunidad ng Indigenous Peoples, at mga sistema ng pagsusuri sa performance ng mga guro na naaayon sa kalagayan ng mga Last Mile at GIDA schools.

“This GIDA Act will complement our current efforts to address the multi-faceted crisis in education, as it will not only target infrastructure problems, but also provide context-responsive programs, including alternative learning modalities, adjusted staffing standards and funding formulas, learning tools, feeding, health, and psychosocial services, Indigenous Knowledge Systems and Practices integration in IP communities, and tailored teacher performance evaluation systems,” ani Villar.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang senador na makatutulong ang Last Mile at GIDA Schools Act sa pagpapaliit ng agwat sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat mag-aaral, anuman ang kanilang lokasyon o kalagayan sa buhay.

“Ang edukasyon ay hindi dapat nakadepende sa kung saan ipinanganak o nakatira ang isang bata. Sa pamamagitan ng batas na ito, mas abot-kamay na ng ating mga kabataan ang kanilang mga pangarap dahil mas mailalapit natin ang dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa mga liblib at mahihirap na komunidad,” ani Villar.

“Kapag mas matatag ang ating mga paaralan, mas malaki ang pagkakataon ng bawat batang Pilipino na makapagtapos at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. They surely make a MARK as nation-builders and productive citizens of our country,” pagtatapos ni Villar.