Advertisers

Advertisers

Sen. Estrada, itinalaga bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms

0 5

Advertisers

SA kabila ng kanyang pagkakadetine, nahalal pa rin si Senador Jinggoy Estrada bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms ngayong 20th Congress.

Bilang pinuno ng komite, pangungunahan ni Estrada ang pagtalakay at pagbuo ng mga panukalang batas na may kinalaman sa mga batas sa halalan, mga proseso ng eleksyon, at iba pang repormang pang-elektoral sa bansa.

Nilinaw ni Senate President Win Gatchalian na nananatiling senador si Senador Jinggoy Estrada sa kabila ng kanyang pagkakakulong kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder.



Ayon kay Gatchalian, miyembro pa rin ng Senado si Estrada na bahagi ng minorya at ang lahat ng miyembro ng minorya ay mabibigyan ng komite.

Dagdag pa ng Senate President, maaari ring magpatakbo ng komite ang isang vice chairman sakaling hindi aktibong makapangasiwa ang isang chairman.



Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III ipinaubaya Estrada ang pamumuno sa nasabing komite kahit ito ay kasalukuyang nakakulong.

Ayon kay Sotto, isa sa mga dahilan ng pagbibigay ng chairmanship kay Estrada ay upang matiyak na mayroong pondo ang komite at patuloy na matanggap ng mga empleyado ng senador ang kanilang suweldo.



“The budget of the committee is where the employees of the senator draws their salaries,” wika ni Sotto.  (Mylene Alfonso)