Advertisers

Advertisers

Rabiya Mateo at Jake Cuenca swak sa isa’t isa

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Patuloy na kinikilig ang fans nina Rabiya Mateo at Jake Cuenca matapos nilang ibahagi ang ilan sa kanilang pinakamatamis na sandali bilang magkasintahan sa social media.

Sa isang collaborative Instagram Reel, ipinakita ng dalawa ang kanilang masasayang bonding moments—mula sa mga biruan, simpleng kulitan, hanggang sa kanilang sweet dates. Lalong naging romantiko ang video dahil sinabayan ito ng kantang “Pag-ibig” ng Sponge Cola, na bumagay sa kanilang natural na chemistry.

Kalakip ng video ang simpleng caption ni Rabiya na, “Happy looks good on us,” na agad umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens.

Hindi rin nagpahuli ang kanilang mga celebrity friends sa pagbibigay ng suporta at pagbati. Kabilang sa mga nag-iwan ng sweet comments sina Ruffa Gutierrez, Kim Rodriguez, Hershey Neri, at Thamara Alexandria.

Matatandaang unang umugong ang usap-usapan tungkol sa namumuong relasyon nina Jake at Rabiya matapos silang ilang beses na makitang magkasama at magpalitan ng sweet interactions sa social media. Mas lalo itong nakumpirma nang aminin mismo ni Jake nitong taon na exclusively dating na sila.

Bago ang kanilang relasyon, nakarelasyon ni Jake ang aktres na si Chie Filomeno, habang si Rabiya naman ay kinumpirmang single noong 2025 matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Jeric Gonzales.