Advertisers
By DOMINIC REA
Jusmio! Kalat na kalat na naman ang fake news about movie together nina Daniel at Kathryn. Hindi ito mangyayari sa panahon ngayon. Imposible ito lalo na’t ilang taon palang ang nagdaan ng hiwalayan. Bagay dito ang salitang in your dreams lalo na’t parehong namumukadkad ang kani-kanilang lovelife! Hay! Tantanan na! Ito ay isang ilusyon lamang.
XIA VIGOR BEAUTY AND BRAIN
Naku! Kausapin mo ng one on one itong dating childstar na si Xia Vigor at maloloka ka! Napaka-taratitat niya huh! Pero huwag ka, kahit anong itanong mo, sasagutin niya at yung plano mong isusunod na tanong ay nasagot na niya sa unang tanong mo! Paka-advance niya mag-isip at malaman ang bawat litanya niya huh! Paka-talinong bata at pakagandang dalaga na ngayon! Grabe! Kaya naman love na love siya ni Boss Vic Del Rosario ng Viva noh! Sabi pa ng isang katsikahan ko, kapag naalagaan ng Viva ng mabuti si Xia ay magiging isang sikat na aktres ito. Well, posible na lahat dahil nakikita narin natin ngayon ang importansiyang binibigay sa kanya ng Viva huh! Kasama siya sa series na Lab U Lots at sa pelikulang Miracle 7 with Aga Muhlach! Dami pang naka-line-up na projects kay Xia na hindi pa puwedeng banggitin! Yun na!
JAMES REID LUMIPAD ANG 150 MILLION?
Ang pagtatayo diumano ng Careless Music ang dahilan kung bakit kalat na kalat ngayon ang usap-usapang lumipad at napunta sa wala ang 150 million daw ni James Reid. Ayon pa sa kuwento, halos magunaw daw ang mundo ni James nung maramdamang napupunta na sa kawalan ang malaking halagang kanyang inenvest para sa naturang independent label! Hindi imposible ang tsikang ito huh! Dahil nakita namin kung paano i-promote noon ni James ang Careless Music at kung gaano ito ka-hands-on! Grabeng halaga ito na alam naman siguro natin kung paano magtrabaho ang sikat na actor-singer mapa-pelikula at telebisyon noh! Hay! Totoo kaya ito?