Advertisers
Advertisers
Advertisers
INATASAN ni Presidente “Bongbong” Marcos, Jr. ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na isumite ang tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang mister, Atty Mans Carpio, sa Senate Impeachment Court.
Nitong Huwebes ng umaga, dinala ng BIR representative ang naturang tax documents na nakalagay sa pulang box sa Office of Senate Secretary, kay Rey Bantug, ang clerk ng impeachment court, bilang pagtalima sa subpoena ng korte.
Bago ito, hiniling ng House prosecutors kay PBBM na atasan ang BIR na dalhin ang tax documents ng mag-asawang Sara at Mans sa Impeachment Court para makita kung tugma nga ang kayamanan nilang nakalagay sa kanilang SALN at sa perang nakalagak sa mga bangko.
Actually hiningi na noon ng House prosecutors sa BIR ang naturang tax documents, pero hindi nagawang buksan matapos paalalahanan ng BIR na may mga batas na malalabag, maliban nalang kung mismong ang Presidente ng bansa ang mag-utos na ilantad ito sa publiko.
Ang tax documents ay magsisilbing ebidensiya ng House prosecutors sa isa sa kanilang impeachment articles kungsaan inaakusahan ang Bise Presidente at kanyang mister ng pandaraya sa kanilang SALN.
Kaabang-abang ang pagbukas sa tax documents na ito.
Subaybayan!
***
May pasabog na naman si Senador Ping Lacson laban kay Sen. Alan Peter Cayetano.
Post ni Lacson na sumabog nitong Huwebes: “Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala at laway ang bala; ‘Pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?
Ceasefire my foot”, bira ni Ping.
Bagama’t walang pangalang binanggit sa kanyang post, malinaw namang si Cayetano ang kanyang puntirya. Hehehe…
Naisampa na ni Lacson sa Office of the Ombudsman ang mga ebidensiya ng mga natuklasang katiwalian kuno sa mga proyekto ni Cayetano sa Taguig City.
Maliban dito ay pinaiimbestigahan ni Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee ang iba pang mga katiwalian kuno sa mga programa ni Cayetano.
Bloodbath ito! Abangan!
***
Sa privilege speech ni Sen. Alan Cayetano nung Miyerkoles, July 29, kungsaan ang kanyang sister na si Pia lang naman yata ang nakinig, hehe… tinawag niyang political prisoners sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta, tapos biktima raw ng selective justice si Sen. Bato dela Rosa. Ngek!
Paano naging political prisoners sina Jinggoy at Marcoleta eh Graft at Plunder ang kaso ng mga ito!
Si Bato naman ay nahaharap sa crimes against humanity sa ICC na isinampa noong si Duterte pa ang pangulo.
Nagpakasira na talaga si Alan sa Duterte. Ewan!