Advertisers

Advertisers

‘OVERSTAYING’ U.S. NATIONAL, ARESTADO NG BI-ID SA LAGUNA

0 4

Advertisers

Inaresto ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (BI-ID) ang isang ‘overstaying’ na United States national sa Cabuyao, Laguna, batay sa intelligence information na natanggap ng bureau ukol sa pananatili ng isang overstaying na banyaga sa nasabing lugar.

Ayon sa report, ipinatupad ng personnel mula sa BI -ID na pinamumunuan ni Fortunato ‘Jun’ Manahan ang isang mission order, katulong ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang babaeng banyaga na kinilala lamang na si “Kristy,” 27, ay dinakip nitong July 30 sa Cabuyao, Laguna. Nabigo umano itong mag-apply ng extension para sa kanyang ‘authorized stay’.

Ayon kay Manahan, ang huling aprubadong extension ng banyaga ay valid hanggang January 2026 lamang at wala itong record of payment or application for extension na isinumite.

“She was arrested for violating the Philippine Immigration Act of 1940, as amended, which provides for the deportation of aliens who remain in the country beyond their authorized period of stay,” ani Manahan.

Aniya, ang BI ay maghaharap ng deportation charges laban sa respondent sa BI main office nito sa Maynila.

Samantala, ililipat muna ang banyaga sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City, kung saan siya mananatili habang wala pang resolusyon ang kanyang kaso. (JERRY S. TAN)