Advertisers

Advertisers

Korte sinuspinde P85 dagdag-sahod sa NCR

0 2

Advertisers

NAGLABAS ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng ‘status quo ante’ order na nagsususpinde sa pagpapatupad ng P85 dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Sa dalawang pahinang kautusan na may petsang Hulyo 24, bahagyang pinagbigyan ni Pasig RTC Executive Judge Achilles Bulauitan ang petisyon na inihain ng Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. laban sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR at National Wages and Productivity Commission.
Hiningi nila sa korte na pigilan o hindi kaya’y panatilihin muna ang dating antas ng sahod (status quo).
Tinanggihan ng korte ang hiling ng mga petitioner para sa isang 72-hour Temporary Restraining Order (TRO).
Ginawa ito upang magkaroon ng sapat na panahon ang branch ng korte na mabubunot (raffled branch) na pag-aralan ng mabuti ang mga merito at batayan ng aplikasyon ng petitioners para sa TRO.