Advertisers

Advertisers

Misis hinihiya, sinasaktan ng mister habang naka-video

0 2

Advertisers

INIUTOS sa pulisya ng alkalde ng Tuguegarao City sa Cagayan na imbestiga-han ang isang viral video na makikita ang isang lalaki na local vlogger habang sinasaktan at hinihiya ang kani-yang sariling misis.
Sa ulat, inatasan ni Ma-yor Maila Ting-Que ang mga awtoridad na alamin ang katotohanan tungkol sa video at tiyaking ligtas at nasa maayos na kalagayan ng babae.
Makikita sa video na unang naka-livestream pero tinanggal na ang Facebook page ng lalaki, na sinasabunutan, binabatukan at hinihiya ng lalaki ang babae.
Ayon sa alkalde, kahit deactivate na ang Facebook page ng lalaki, may mga nagpapadala pa sa kaniyang tanggapan ng kopya at link na makikita ang video.
Sinabi ng lokal na opi-syal na layunin ng isinasagawang imbestigasyon na alamin ang buong katotohanan sa likod ng insidente at matukoy kung may sapat na batayan kung kailangang magsampa ng kaukulang kaso.
Nanawagan din si Ma-yor Ting-Que sa sinumang may direktang nalalaman sa insidente o sa mga taong sangkot sa video na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon