Advertisers
Ang batang Pinoy na si Jerick Concepcion Faeldonia, gamit ang mga puting piyesa, ay ginapi si Gavin Siridanupath ng Thailand matapos ang mahigpit na laban na tumagal ng 60 moves sa pamamagitan ng depensang Caro-Kann sa Ika-4 na round ng 2nd Bangkok Summer International Chess Tournament Standard Challenger sa Royal Benja Hotel sa Bangkok, Thailand nitong kahapon.
Ang matinding sagupaan ay tumagal ng halos tatlo at kalahating oras, kung saan nagpakita ng matibay na depensa si Siridanupath sa buong laro. Gayunpaman, ipinamalas ng 16-anyos na si Faeldonia, pride ng ng Odiongan, Romblon, ang kanyang pambihirang galing sa huling bahagi ng laro at pananatiling kalmado sa ilalim ng matinding pressure hanggang sa dahan-dahang gawing tagumpay ang kanyang kalamangan.
Dahil sa kahanga-hangang panalo, nakuha ng sertipikadong online Arena International Master na si Faeldonia ang perpektong iskor na 4.0 puntos — kapareho nina Nguyen Hoang Vi ng Vietnam, Jarunpol Sajjapornthep ng Thailand, John Paul De Guzman at John Franz De Asis ng Pilipinas.
“Masaya ako sa naging pagganap ko ngayon,” pahayag ni Faeldonia, mag-aaral sa Ika-11 Baitang ng Arellano University.
Ang laro sa pagitan nina National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. at Nguyen Le Sy ng Vietnam ay nagtapos sa tabla matapos ang 17 hakbang sa pamamagitan ng depensang Slav.
Ang sertipikadong online Arena Grandmaster na si Bernardino ay tumaas ang kabuuang iskor sa 3.5 puntos.
Kapareho rin ng 3.5 puntos sina Le, Jaxen Glua Miller, Lorenzo Aaron Cantela, Giecel Pacubat, at Woman National Master Antonella Berthe Racasa ng Pilipinas, Chawakorn Maetavittayakorn ng Thailand, Nikolay Gutsulyak ng Russia at Sean Robertson ng Australia.LABAN LANG PINOY SA THAILAND!
LOWCUT- Shoutout sa Philippine Sports Commission specially Executive Director ATTY.GUILLERMO IROY sa kanyang suporta personal sa ating GilasNews Diyes Anyos ( Anniversary Celebration). FYI: Ang Gilas ay ating intellectual right nang mag-champion ang inyong lingkod( Tonight PoliceFiles sportswriter noon hangga ngayon at tenkyu to my editor Jeff Venancio) sa pakontes ng POC na name and draw the mascot na ating napagwagian out of hundreds of entries noong 2005 SEAGames sa Pilipinas. Naging center of attraction si GILAS sa kabuuan ng Palaro ng Timog Silangang Asya.E.D rin si Ato Iroy noon kaya binuo namin nina By-Ol- Mins at James ang IMG( Iroy Media Group). GRAZIE ATTY.! Itinatag ko ang ating pahayagang gilas noong 2016 kaya ang Gilas News EDAD SAMPU NA PO!