Advertisers

Advertisers

Julie Anne iniisyung naaning kay Alden

0 7

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa isang panayam, nagbalik-tanaw si Julie Anne San Jose sa kanyang mga naging ex bago pa man naging sila ni Rayver Cruz.

Siyempre, ang mga katkatera at sawsawera naman ay in the know ang naging papel nina Elmo Magalona at Alden Richards sa buhay lovelife ng singer-actress in the past.

Sa nasabing vlog, naibida niya ang naunsyaming romansa niya with a guy na umano’y tinotga siya dahil naisip nilang magpokus muna sa kanilang karera.

Ito raw ang kanyang first love.

“Naaning talaga ako,” sey niya.
Sey pa niya, parehong bata pa raw sila noong guy nang nangyari ang kanilang hiwalayan.
“And then we both had the peak of our careers siguro,” lahad niya.”So parang, inaway-away kasi siya [ng fans] ata. Siguro naging factor din ‘yun na ‘career muna ‘ko, ganyan.’ So I thought we had a good thing,” dugtong niya.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga katekatera sa nasabing rebelasyon.

“Halatang si Alden yung first love na aning siya, yung alam ng lahat yung interview ni A kay Tito Boy. Sayang cut yung story, pero yung huli tugma sa nung grabe yung bash ng JulieElmo fans kay Alden kasi Loveteam noon si Julie at Elmo pero real life may something kay Julie at Alden.”

“Bata parin sila noon mga 20-21 yrs old nanibago sa bashing, di pa matured kaya one way or another mauuwi talaga sa break up parin naman at career focus din sila, unlike ngayon may edad na sila, know how to handle things and walang pake na sa mga bashers.”

“Alden naging First Love nya gumawa pa nga Sya ng kanta TAs Tagalog nila di nagusap ksi dahil sa bashing fans ng kabilang fans LT. ”

“Noon si Alden Yung Binash dahil sa JuliElmo tapos si Julie nabash dahil sa Aldub kundi dahil sa mga Toxic fans nayan Sila Sana”

“Omg si Alden nga talaga first love niya hindi ako nagkamali tapos totga siya ni Alden”

“I remember nung time na sikat na sikat ang JulieMo may issue na si alden aaligid-ligid kay julie kaya galit na galit mga fans ng juliemo. Binash ng malala ni Alden. Tapos nung nag solo na ang juliemo dun naman sumikat yung aldub. Tapos na bash nman si julie nung time na yun kasi sya daw talaga ang gusto ni alden.”