Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SA mga nakaraang interviews sa kanya, puro papuri ang pahayag ni Andrea Torres sa Legal Wives co-star niyang si Alice Dixson.
All-praises din si Andrea sa isa pang co-lead actress niya sa Legal Wives, si Bianca Umali.
“Si Bianca naman, mabait din si Bianca, at tsaka parang ang lalim niyang tao, parang ganun. Sabi ko nga sa kanya, ‘Parang ang lalim mong tao.’
“Parang bilang batang artista, ang mature niya. Ang mature niyang mag-isip, ang mature niyang kumilos. Magkakasundo kaming lahat, nakakatuwa.”
Matapos daw ang mga eksenang catfight ay magtatawanan na sila, bukod pa siyempre sa pangungumusta sa bawat isa kung may nasaktan ba matapos ang mga eksena nilang sampalan at sabunutan.