Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULI sanang makikita via television si Kris Aquino para sa 8.8 Mega Sale na promo ng isang shopping app.
Nag-promote na nga si Willie Revillame na magiging guest niya ulit si Kris sa Wowowin para sa sa promo ng shopping app na dating endorser si Kris.
Pero dahil sa ECQ eh pinagbabawalan na naman ang mga shooting, taping at live show sa television.
Dahil na rin ito sa paglaganap ng Delta Variant na mas madali at mabilis makahawa kaya balik ECQ na naman ang NCR.
Kaya naman ang comeback sana ni Kris sa telebisyon ay naudlot at naunsyami dahil sa lockdown.
Tila minamalas si Kris at ang pinanabikan nito na pag-appear sa live show ni Willie ay ‘di na matutuloy sa August 8 taong kasalukuyan.
Huwag nga raw maging sad si Kris dahil di lang naman siya ang apektado kundi kahit ang buong cast ng Voltes 5 at Lolong ay tigil din ang taping.
Marami namang nanghinayang na tagasuporta ni Kris sa muling pagkaudlot ng paglabas nito sa telebisyon.
Timing daw na ang guesting nito this Sunday sa Wowowin ay kakasimula pa lang ng ECQ.
***
NOONG isang taon, 2020 nung magsimula ang ECQ ay talagang maraming natuon ang pansin at oras sa pagtatanim.
Hindi nga lang mga ordinaryong mamamayan kungdi mga artista rin.
At isa nga si Daniel Padilla sa nahilig sa pagtatanim. Katunayan nang makita niya ang paglaki ng kanyang Monstera ay tuwang-tuwa ang aktor.
Bumibili raw talaga ito ng halaman sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda.
Never daw niya memorize ang mga namesung ng mga plants pero ang gf daw nito na certified plantita ay alam daw ang lahat ng klase ng halaman.
Sa bahay nito ay talagang fave ni Daniel ang pagtatanim at lagi nga raw nito kinukumusta, kinakausap at hinahawakan ang kanyang halaman na parang tao.
At ngayon may panibagong ECQ na tiyak madaragdagan ang kanyang mga kahalamanan.
Mas tutok nga raw si Daniel sa kanyang halaman kaysa tumutok sa socmed.
Well, well, well…’Yun na!