Advertisers

Advertisers

Lolo na Top 1 most wanted huli sa Batangas

0 356

Advertisers

ARESTADO ang Top 1 most wanted provincial level ng Batangas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Subukin, San Juan, Batangas.

Kinilala ang nadakip na si Marciano De La Roca, 60 anyos, residente ng Brgy. Balagtasin, San Jose, Batangas.

Ayon sa San Juan Municipal Police Station, si De La Roca ay wanted sa mga kasong Murder, Frustrated murder at Attempted Murder.



Bitbit ang warrant of arrest, inaresto ng San Juan MPS si De La Roca sa kanyang tinutuluyang bahay.

Nabatid na January 2010 pa sinampahan ng kaso si De La Roca.