Advertisers
NAILIGTAS ang isang sanggol nang mamatay ang ina na natuklaw ng ahas sa Diffun, Quirino.
Sa ulat, 8:30 ng umaga nitong Miyerkules nang dalhin sa Diffun District Hospital ang isang buntis na walang malay at nangangasul na ang balat, pero idineklara itong dead on arrival.
Nagdesisyon ang hepe ng ospital na si Dr. Moises Lazaro na agad magsagawa ng post-mortem caesarean upang mailigtas ang sanggol na nasa sinapupunan pa ng nanay.
“A pregnant mother who was bitten by a venomous snake was rushly brought to the hospital today, August 4, 2021 at about 8:30 am, with no signs of life and cyanotic, hence, declared Dead on Arrival (DOA),” sinabi ng ospital sa isang Facebook post.
“On his assessment, Dr. Moises V. Lazaro, the Chief of Hospital opted for immediate post-mortem cesarean wherein the baby was about to die. At last, the baby was successfully revived,” dagdag ng ospital.
Binibigyan na ng newborn care at ngayon nasa neonatal intensive care unit ng Quirino Province Medical Center na ang sanggol.