Advertisers
SUMUKO sa tanggapan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 4 scammers na gumagamit ng pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para mangolekta ng pera na gagamitin sa nalalapit na Halalan 2022
Kinilala ng director ng NCRPO na si Major General Vicente Danao Jr. ang mga nasakote na sina Patrict Cerbito alyas “Patrick Fernnadez”, Ramon Segundo, Antoni Cerbito alyas “Duds”; at Anthony Segundo alyas “Papsie”.
Base sa impormasyong ipinarating ni Police Colonel Kirby John, city director ng Davao City at PRO IVA, nagpapakilala ang mga naturang indibiduwal na opisyal ng gobyerno at nag-o-offer ng assistance kapalit ng pera.
Napag-alaman na itinuturing ang mga suspek na big time scammers sa Metro Manila, na sinusubukang biktimahin si Mayor Sara at ilang official sa gobyerno.
Sabi ni Danao, dahil sa kanyang direktiba na tugisin ang scammers, sumuko ang mga ito sa tanggapan ng NCRPO.
Sa report, ginagamit ng grupo ang pangalan ni Mayor Sara at nanghihingi ang mga ito ng pera para maging pondo sa darating na halalan.
Ayon kay Danao, umabot na sa milyones ang nakulimbat ng grupo.
Mismong ang opisina ng alkalde ang nakadiskubre kaya nagsumbong sa mga pulis.
Ayon pa sa pulisya, aabot sa 200 government officials at contractors ang nasa victim list ng grupo.
Nalaman din na miyembro ang naturang grupo ng Cerbito-Fernandez Organized Crime Group.
Kasong syndicated estafa ang nakatakdang isampa sa scammers.(Gaynor Bonilla)