Advertisers
KINUMPIRMA ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo nitong Hulyo.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo sa bansa ay bumagal sa antas na 4 percent noong Hulyo 2021.
Nilinaw ni Mapa na dahil na rin noong nakalipas na buwan ay ang mas mabagal na paggalaw ng transportation cost na mayroong 7 percent inflation.
Ayon kay Mapa, ang transportation cost ay mayroong 77.5 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Dahil sa naitalang datos nitong Hulyo ang year-to-date average inflation na sa ngayon ay 4.4 percent, mas mataas pa rin kumpara sa target range ng pamahalaan na 2 percent hanggang 4 percent. (Josephine Patricio)