Advertisers

Advertisers

Digong itsinismis kung saan galing si ‘Yorme’…‘CALL BOY ANG TRAINING’

0 458

Advertisers

BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang weekly public address nitong Lunes ng gabi ang isang alkalde sa Metro Manila nang ireklamo nito ang mga seksing larawan at ang aniya’y “disorder” sa mga lugar ng pagbabakuna nito.

Hindi man direktang tinukoy ng Pangulong Duterte ang kanyang pinatatamaan, si Moreno lamang ang tanging alkalde sa Metro Manila na lantad sa publiko ang noo’y pagganap nito bilang actor sa mga sexy roles.

“Hindi lang tayo puwede magsalita ng pulitiko dito, pero ‘yan, kayong mga Pilipino, huwag kayo magpaloko diyan sa mga pa-drama magsalita. Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat ng, nakabikini ang gago. Tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya,” pahayag ni Duterte sa kanyang weekly public address tungkol sa pandemya.



Kinutya pa ni Duterte si Moreno na ang tulad nito ay hindi dapat na maging presidente ng Pilipinas dahil sa nakaraan nito.

“‘Yan ang gusto ninyo? Ang training parang, para lang call boy, naghuhubad… ‘Yan ang training ng presidente, maghubad at magpapicture, at mag-silip, magyabang sa kanilang ari,” ani Duterte.

Gayunman, si Moreno ay naging totoo sa kanyang nakaraan sa showbiz at sinabing ang kanyang buhay ay isang bukas na libro. Ang kanyang mga sexy photos ay dating ginamit ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa iba pang eleksyon.

Bago pumasok sa gobyerno sa edad na 23, nagsimula si Moreno sa larangan ng show business kung saan ito ay sumabak sa pag-acting at pagkanta. Kilala ngayon si Moreno sa kanyang ‘rags-to-riches story’ mula sa pagiging mahirap na bata sa Tondo.

Sa mga isinasagawang surveys, si Moreno ay kabilang sa mga nagugustuhan ng mga botante para sa mga posibleng kandidato sa pagka-presidente at bise presidente kung saan ay pumapangalawa ito sa presidential daughter na si Sara at sa mismong Pangulong Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">