Advertisers

Advertisers

‘No vaccine, no work’ policy ng mga kompanya, ilegal – Sec. Bello

0 222

Advertisers

IGINIIT ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ilegal ang anumang polisiya na nagbabawal sa isang kawani na mag-trabaho kung hindi pa siya bakunado ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Bello, walang legal na basehan ang mga negosyante na pilitin ang kanilang mga manggagawa o empleyado na magpabakuna.

Giit niya ang ‘freedom of choice’ ay ginagarantiyahan sa Saligang Batas.



Katuwiran pa ni Bello dahil kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa, hindi talaga maaring pilitin ang sinoman na magpaturok ng sinasabing proteksyon laban sa COVID 19.

Pahayag pa ng kalihim, maari rin gawin basehan ng empleyado ang nais niyang brand ng COVID-19 vaccine na nais niyang maiturok sa kanya.

Hinihikayat ni Bello ang mga manggagawa na isumbong sa kanyang tanggapan ang mga kompaniya na nagpapatupad ng ‘no vaccine, no work’ policy.