Advertisers
KINUMPIRMA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang inilabas na resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na nagbabawal munang mag-exercise sa labas ng bahay habang nasa ilalim ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Giit ni MMDA Chairman Benhur Abalos, layon lang ng resolusyon na mapag-ingatan pa ang kalusugan ng mga taga-Metro Manila.
Inilagay ang rehiyon sa ECQ para mapigilan pa ang paglobo ng COVID-19 cases, gayundin dahil sa banta ng mas mapanganib na Delta variant.
Ang MMC at mga business sector ang nagrekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa ECQ ang Metro Manila bilang hakbang para mapigilan pa ang pagsirit ng mga kaso. (Josephine Patricio)