Advertisers

Advertisers

16-anyos tinadtad ng saksak sa Malabon

0 470

Advertisers

Natagpuan tadtad ng saksak ang 16-anyos na ginang ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Izzy Andales.

Batay sa pahayag ng live-in partner nitong si Jomar Chua ni Chua sa pulisya, iniwan niyang natutulog sa loob ng kanilang inuupahang tirahan sa No. 21 Leoño St. Brgy. Tañong si Andales, at nang bumalik ito ng 9:30 ng gabi natagpuan na niyang walang buhay ang kinakasama.



Iniutos naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang malalimang pagsisiyasat upang makilala ang salarin sa nangyaring krimen.

Bagama’t hindi naman itinuturing na suspek ang kinakasama ng biktima, isasailalim din siya sa pagsisiyasat dahil siya ang unang naka-diskubre sa bangkay ng menor-de-edad pang ginang.

Ayon kay P/SSgt. Diego Ngippol, may hawak ng kaso, sa ngayon pagnanakaw pa lamang ang nakikita nilang motibo sa pagpatay bagama’t hindi naman niya binanggit kung ano ang mga nawalang gamit sa loob ng inuupahang bahay ng dalawa.