Advertisers

Advertisers

2 akyat-bahay huli sa Quezon City

0 461

Advertisers

Arestado ang dalawang miyembro ng akyat bahay gang nang manloob sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi (Agosto 13).

Kinilala ni PLT. Col. Tyrone DG Valenzona hepe ng Quezon City Police District station 1 Laloma, ang mga naaresto na sina Roland Santalisis, 20, binata, barker, residente ng Blumentritt-Felix Huertas Market, Brgy. 363, Manila; at Chaze Nico Meca, 20, binata, walang trabaho ng No. 39H Libis, Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, QC.

Nagharap ng reklamo ang complinant/victim na si John Kenneth Cruzada, 30, may-asawa at residente ng No. 42A Cristine St., Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson, QC laban sa mga suspek.



Sa ulat, unang nadakip si Santalisis nang looban ang bahay ng biktima sa Parkway Village nitong nakalipas na Agosto 12, 2021 kasama ang dalawang iba pa.

Natangay ng mga suspek ang mga ATM card ng biktima, pera na nagkakahalaga ng P45,000 at mountain bike na kulay puti na nagkakahalaga ng P90,000.

Sa report, nagising ang biktima dahil sa ingay at kaluskos sa loob ng kanyang bahay at nagulat na lamang ito na nasa loob na ang mga suspek kaya humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at nadakip Santalisis subali’t nakatakas ang dalawang kasamahan nito.

Dakong11:45 ng gabi muling bumalik ang kasamahan ng suspek na si Nico Meca sa bahay ng biktima para magnakaw subali’t namataan ito ng biktima habang tinatangkang buksan ang pinto ng bahay ng huli at agad na tumawag sa Barangay at Laloma police dahilan para madakip ang suspek ng mga tauhan ng pulisya.

Kasalukuyan nakapiit ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong robbery.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">