Advertisers

Advertisers

14,249 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA

0 250

Advertisers

ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 14,249 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 11,714 na gumaling at 233 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (98,847) ang aktibong kaso, 92.5% (1,598,314) na ang gumaling, at 1.74% (30,070) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 12, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 3.4% sa lahat ng samples na naitest at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalaalahanan po natin ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards. Kapag naman nakaranas ng mga sintomas ay agad na mag isolate at kontakin ang inyong Barangay Health Emergency Response Teams.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ANDI GARCIA)