Advertisers
ASAHAN ang pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene habang posible naman ang rollback sa gasolina sa susunod na linggo.
Sa inilabas na advisory ng oil industry sources mula sa apat na araw na trading sa world market, posible ang pagtaas ng presyo ng diesel ng P2 hanggang P 2.50 kada litro, at P1 hanggang P1.50 naman ang kada litro ng kerosene.
Samantala, magkakaroon naman ng rollback na P1 hanggang P1.50 per liter sa gasolina.
Ayon pa sa oil industry sources, kabilang sa ilang mga dahilan ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay ang tumintinding mga pag-atake ng grupo ng mga Houthi sa imprastrakura ng Saudi Arabia, maging sa mga barko sa Gulf, na nagiging sanhi ng pagkakantala ng suplay ng langis patungo sa merkado.
Nakatakdang ilabas ng Department of Energy (DOE) sa Lunes, Oktubre 26 ang pinal na anunsyo kaugnay sa pagbabago ng produktong petrolyo, asahan naman na ipatutupad ito ng mga kumpanya ng langis kinabukasan.