Advertisers

Advertisers

Mga opisyal at kawani ng PCO naghain ng courtesy resignation

0 26

Advertisers

NAGSUMITE na ng courtesy resignation ang mga opisyal at kawani ng Presidential Communications Office (PCO) at mga attached agencies nito kasunod ng pagkakatalaga kay acting Secretary Lino Cayetano bilang bagong pinuno ng ahensiya.

Sinabi ni Cayetano, karaniwang proseso ito sa tuwing may bagong kalihim na naitatalaga sa PCO.

Ayon naman kay Cayetano, mananatili sa puwesto si PCO Undersecretary Claire Castro bilang Palace Press Officer.



Itinuturing aniyang treasure o yaman ng gobyerno si Castro at sinabing mahalaga ang kakayahan nito sa pagpapaliwanag ng mga isyu at pagtugon sa mga kritisismo.

Suportado rin ng ahensiya ang diretsahan at palaban na paraan ni Castro sa pagsagot sa mga kritiko.



Hindi aniya masama ang makipag-debate basta’t naipapaliwanag sa publiko ang mga isyung nais nilang malinawan.

Patuloy namang susuriin ni Cayetano ang performance ng mga opisyal at kawani ng PCO at mga attached agencies nito.



Hinimok niya ang mga tauhan na ipagpatuloy ang maayos na pagtatrabaho at tulungang maunawaan ng publiko ang mga programa ng administrasyon at ang layunin ng mga ito para sa mga Pilipino.