Advertisers

Advertisers

REP. PULONG DUTERTE NAIS DAGDAGAN ANG UMENTO NG CES

0 661

Advertisers

SA pamamagitan ng House Bill No. 9962 na panukala na tinutulak ngayon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, madadagdagan ang sahod at benepisyo ng mga Career Executive Service (CES) sa bansa.

Nakasaad din sa panukalang batas ang mga dagdag na prebelihiyo sa mga CES bukod sa dagdag na sahod ng mga ito.

“Nais po natin magkaroon ng special allowances, retirement benefits para kanilang magandang pag-ganap sa kanilang mga tungkulin upang mapanatili ang good governance at accountability in public service,” pahayag ni Rep. Duterte na anak ni President Rodrigo Duterte.



Sabi din sa HB No. 9962, na ang isang miyembro ng CES ay maaari nang makapag-retiro at makatanggap kung ito ay nasa 60 taong gulang na at nanungkulan sa gobyerno ng 15 taon. Samantalang ang mababa sa 15 taong panunungkulang ay magkakaroon din base sa pro-rata pension.

Ka-akda ni Rep. Duterte si Benguet Province caretaker Rep. Eric Yap sa nasabing panukalang batas na magiging malaking tulong sa mga miyembro ng CES sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More