Advertisers
Patay ang isang lalaki at babae nang pagbabarilin ng tatlong salarin sa Malabon City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Geraldine Atanoso, 32 ng Block 20, Lot 8, Phase 2, Area 4, Brgy. Longos; at Rolando Balbas, 25, ng Vitas St., Tondo, Manila.
Ayon kay PSSg Ernie Baroy and PSSg Mardelio Osting, nasa kanto ng Hiwas at Hasa-Hasa St., Brgy. Longos, 2:55 ng madaling araw ang mga biktima nang lapitan ng tatlong lalaki at matapos ang maikling pag-uusap bigla na lamang naglabas ng baril ang mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima bago mabilis na nagsitakas.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, isang saksi ang kumilala sa isa mga salarin na si Jimmy Abaya, alyas “Jim-Jim”, 25, ng Blk. 49, Alupihang Dagat St, Brgy. Longos, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang kasama nito.
Sinabi ni Col. Barot, sangkot din si Abaya sa pamamaril noong June 5, na ikinasugat ng fish vendor na si Alvin Santos, 43, sa kahabaan ng Blk. 38 Phase 3, Brgy. Longos.
Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang apat na basyo ng bala, dalawang deformed bullet, isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, gunting at limang piraso ng P100 bill.
Patuloy naman ang manhunt operation ng Malabon police kontra kay Abaya at personal na galit at illigal na droga ang tinitignang motibo sa krimen.