Advertisers

Advertisers

4 miembro ng pamilya, patay sa ‘Covid-19 vaccine’

0 3,654

Advertisers

Sinisisi ng isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang apat na kaanak nang magkasunod ang mga itong nasawi ilang araw nang magpabakuna laban sa Covid-19.

Batay sa post sa Facebook ni Perly Mugot, nag-trending na ngayon sa social media, hindi umano nagsabi sa kanya ang mga magulang niya gayundin din ang kanyang ate at kuya hinggil sa pagpapabakuna ng mga ito.

“Diba, nagsabi ako sa inyo na ‘wag kayong magpabakuna. Sino ang nag-utos sa inyong apat na magpa-vaccine kayo? Tapos ngayon, iniwanan n’yo na ako? Nag-abroad ako para sa inyo para maging maayos ang inyong kalagayan. Nag-abroad ako para magkabahay tayo ng maganda, maliit lang ang bahay natin tapos iwanan n’yo ako?” ayon sa unang bahagi ng post ni Mugot.



“Bakit Papa? Bakit Mama? Bakit Ate? Bakit Kuya? Uuwi ako na mga bata na lang ang makita ko?” dugtong pa ni Mugot.

“Iniisip ko na lang na nag-abroad kayo sa lugar na walang signal. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak, iwanan n’yo rin ako. Mas matanggap ko kung nagkasakit kayo. Malulusog pa kayo bago kayo nagpa-vaccine, tapos ngayon, ganito lang kasimple kayo kung kunin?”

Batay pa rin sa post ni Mugot, pumanaw ang kanyang ate nitong Agosto 1 habang ang kanyang kuya naman nitong Agosto 8. Sunod na pumanaw naman ang kanyang ina nitong Agosto 11 na sinundan naman ng kanyang ama nitong Agosto 13 ng kasalukuyang taon.

Tanong ni Mugot sa mga netizen, sino pang may ganang magpabakuna kasunod ng pagpanaw ng kanyang mga mahal sa buhay.

Nagbabala rin si Mugot sa mga publiko na kung ayaw nilang mamatay, huwag magpaturok ng bakuna. Dapat umanong pag-isipan ng maraming beses bago magpabakuna.



Ayon kay Mugot, wala siyang pakialam kung anuman ang magiging reaksyon ng mga netizen hinggil sa post niya. Dapat na lamang umanong magpasalamat ang mga netizen na nabakunahan na at buhay na buhay pa sila ngayon.

Nakiusap din si Mugot sa mga netizen na ‘wag siyang i-bash dahil wala sila sa sitwasyon niya na ngayon.

“Hindi ako nag-post para mag-viral. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ganahan pa ba kayo? Be thankful enough na safe kayo. God bless sa lahat,” ani Mugot.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit sa 36,000 ang nag-share sa post ni Mugot, mayroon itong mahigit sa 19,000 reactions, at mahigit 10,000 comments. Patuloy pa ito sa pagtaas.

Wala pang tugon ang Department of Health (DoH) hinggil sa pagkamatay ng mga magulang ni Mugot.

Kamakailan lang, sinabi ng isang health expert na mas mapanganib umano ang bakuna kaysa coronavirus. Mariin naman itong pinabulaanan ng DoH.