Advertisers
NAGA CITY – Animnapu’t walong (68) rape cases ang naitala sa Camarines Sur mula Enero 2021 hanggang Agosto.
Ayon ito kay Police Lt. Colonel Nanie Precy Alcala, hepe ng Provincial Women and Children Protection Desk. Pero mas mababa raw ito kumpara noong 2020 na mayroong 122 mula Enero hanggang Agosto.
Ayon kay Alcala, sa record, matagal na ang ibang nangyari subali’t huli lamang ipinaabot sa mga otoridad.
Tinututukan ng PNP ang mga insidente ng pang-aabuso sekswal o ang kanilang Oplan KASKAS (Kasurog asin Sociodad: Kontra abusong sekswal). Halimbawa nito sa Bayan ng Bombon ibinahagi ni OIC PLt. Fatima Lanuza, na idinaraan nila sa social media ang kampanya at may mga pagkakataon din na umiikot sa mga komunidad.
Aminado si Lanuza na kapag face-to-face ang lecture o kampanya, mayroong mga hindi interesadong makinig. Mahalaga aniyang may kooperasyon dahil may ilang babaeng hindi alam na ang ginawa sa kanila ay pang-aabuso na.