Advertisers

Advertisers

Mag-asawang Visor arestado sa investment scam

0 232

Advertisers

DINAKIP ang mag-asawang supervisor ng isang investment scam sa entrapment operation ng mga operatiba ng Echague Police Statio, IPPO, CIDG-Regional Field Unit 2 Santiago City Field Unit, at Securities and Exchange Commission (SEC) sa Barangay Annafunan, Echague, Isabela.

Ayon sa Police Regional Office No. 2, kinilala ang mga dinakip na sina Ernesto Simangan- Gumarang, 72 anyos; at asawa nitong si Merlita, 60, ng Purok 7, Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Napag-alaman na parehong supervisor ang mag-asawa sa Interim National People’s Initiative Council Nahuli sila sa aktong nagsasagawa ng investment scam at nagso-solicit ng pondo sa publiko nang walang pahintulot o company registration sa SEC.



Nakumpiska sa mag-asawa ang isang unit ng single motorcycle, 2 cellphones, cash na P3,500, at iba’t ibang certificates

Modus umano ng mag-asawa na ipakita ang mga unregistered entity at pinagbabayad ng membership fee na P400 ang mga mabibiktima nila at ipinapangakong mapapalitan ito ng P30,000 hanggang P1 milyon sa December 2021.

Walong indibidwal na nabiktima ng mag-asawa ang nagsuplong sa pulisya kaya naisagawa ang entrapment operation.