Advertisers
INIIMBESTIGAHAN na ng pamunuan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang viral video sa social media na dalawang pulis na nakasakay sa kanilang service motorcycle ang nag-uunahan sa daan at tila gumagawa ng exhibition sa Zambales.
Ayon kay PNP-HPG Director, Brig. Geneneral Alexander Tagum, hindi nila tauhan ang dalawa dahil hindi naman nakasuot ang mga ito ng angkop na uniporme tulad ng vest.
Wala ring marka ng HPG ang kaliwang Pannier box na nakakabit sa naturang mga motorsiklo na nakalaan para sa Traffic Patrol Riders.
Gayunman, sinabi ni Tagum na tauhan man nila o hindi dapat paring pairalin ng mga gumagamit ng motorsiklo ang ibayong pag-iingat at disiplina.
“I have directed our intelligence and investigation division to conduct an investigation regarding this unsafe handling of motorcycles by traffic police riders,” pahayag ng heneral.