Advertisers
HININGI kahapon ang agarang pagreresign ni Bayan Partylist Rep. Eufenia Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc sa kongreso dahil sa kanilang pagtalikod sa pangakong isusulong ang mga kapakanan ng mga tribu ng mga Indigenous People(IPs).
Sa lingguhang virtual na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, sinabi ni Datu Rico Maca , Municipal Indigenous People Mandatory Representative ng San Miguel, Surigao del Sur, na bagamat nabibilang si Cullamat bilang IP dahil ito ay taga-Manobo Tribe, bigo naman ito sa bilang kinatawan ng IP at sa halip ay nakikipagsabwatan pa ito kasama ang Makabayan Bloc sa mga pagpaslang sa mga lider ng mga tribu na sumasalungat sa mga agenda ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) agenda.
“Inaasahan namin magiging boses siya (Cullamat) ng aming mga tribu. Naging iba ang resulta. Inasahan namin si Cullamat. Walang plano sa kapayapaan at sa aming mga kabataan,” ang paliwanag ni Datu Maca.
Sa katunayan aniya, mayroon ng 126 resolusyong ipinasa ang kanilang mga tribu na kasapi sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous People (ICCs/IPs) na si Cullamat ay ‘persona non grata’ na sa kanilang mga ancestral lands.
Patuloy daw kasi si Cullamat sa pagsasabing siya ang kanilang representante, samantalang ginagamit lamang nito ang posisyon para lamang sa pngsaruling interes at kapakanan ng komunistang-teroristang samahan.
“Sana mag-resign na siya. Siya ang anay ng aming mga kabataan. Siya ang basura. Kung tinawag niya si Gen. Parlade na basura.. Siya ang totoong basura. Di na siya mapakinabangan ng aming mga tribu,” ang sabi pa no Datu Maca.
Si Rurelyn Bay-ao, 26 anyos na gulang at dating iskolar ng Bakwit school na pwersahang nairecruite sa edad na 12 anyos lamang noong ay nagpahayag na kung hindi siya sumuko sa pamahalaan ay magagaya siya sa nangyayari sa ngayon, na mga kabataang napatay o nasugatan sa pakikipaglaban sa mga tropa ng pamahalaan.
Sa pag-aakalang mabibigyan siya ng libreng edukasyon, sinabi ni Bay-ao na ginamit lamang siya upang manghikayat pa ng mga kabataan para sumali sa CPP-NPA-NDF.
“Sila ang sumisira sa aming kinabukasan. Yun sinasabi nilang (CPP-NPA-NDF) kami ang mga human rights and environmental defenders ay kasinungalingan. Sila ang dinidepensahan namin,” paliwanag ni Bay-ao, na dinagdag pang dinla siya sa mga bansang Hongkong, Thailand at South Korea upang kumbinsihin ang mga “funders” na pondohan ang komunistang-teroristang samahan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga listahan ng mga programa at aktibidad para sa IP na hindi naman talaga nangyayari.
“Lahat ng aming gagawin like rallies…lahat may briefing. Tinuturo ang mga sasabihin namin,” paliwanag ni Bay-ao na nangakong tutulungan niya ang lahat ng nasa kamay pa ng mga CPP-NPA-NDF.
“Tutulungan ko mga kasamahan ko, kamag-anak ko, lahat ng na-recruit ko na bumalik sa pamahalaan. Kung walang NPA sa aming lugar walang kaguluhan,” ang sabi ni Bay-ao.
Sinusugan ito ni Gaye Florendo, NTF ELCAC Assistant Spokesperson for Public Affairs at Indigenous Peoples Concerns na ang sabi, ang mga resolusyon ng mga tribu ay patunay na hindi na paloloko pang muli ang mga IP kina Cullamat at Makabayan Bloc sa Kongreso.
“Ito ay talagang panawagan nila na magsi-resign na” sila Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc.
“Malinaw para sa ating mga IP communities, na hindi lang ito tungkol sa misrepresentation and false claims, at pagho-hostage at pagpilay sa kakayahan at mandato ng pamahalaan na maghatid ng serbisyo sa ating mga katutubo kungdi ang panagutin sina Rep. Cullamat, ang Makabayan bloc at ang CPP-NPA sa mga krimeng nagawa nila sa ating mga katutubong pamayanan, gaya ng pag-rekrut, pag-organisa at ang tuloy-tuloy na pagpaslang ng ating mga IPs, kabataan, kababaihan at mga tradisyunal na lider,” paliwanag ni Florendo.
WALA NG SUPORTA
Bunga ng mga ganitong pahayag, nauubos na Ang suporta g nakukuha ng CPP-NPA-NDF sa mga kanayunan at malalayong barangay ng mga IP lalo na sa mga lugar ng Northern Mindanao at Caraga Region.
Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP), Maj. Gen. Romeo S. Brawner Jr., commander ng Army’s 4th Infantry Division (4ID).
“Sa nakikita po namin ay sawang-sawa na din ang ating mga kababayan dito sa mga ginagawang mga krimen ng members ng New People’s Army. Tuloy pa din kasi yung ginagawa nilang extortion, arson, murder, at iba pang mga krimen ng NPAs. Lalong lalo na itong pagrecruit nila ng mga bata, which is against the International Humanitarian Law and the Republic Act 11188 or the Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict,” ang sabi ng opisyal.
Hirap na nga raw ang mga rebeldeng makapag-recruit dahil sa pandemiya ng Covid-19 dahil sarado na rin ang mga eskwelahan at mga unibersidad.