Advertisers

Advertisers

Na-videohan na nangongotong: 2 MTPB enforcers sinibak ni Isko

0 127

Advertisers

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje agad na sibakin sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers na na-videohan habang nangongotong sa isang motorista. Ang pagsibak ay kaugnay ng umiiral na one-strike policy sa pamahalaang lungsod.

Ang mga nasabing enforcers ay nakita sa isang video na kuha ng isang netizen na kinokotongan ang isang truck driver sa Laong-Laan Street sa Sampaloc noong isang linggo.

Ang video recording ay nakarating sa tanggapan ni Viaje at agad na ipinagbigay alam sa alkalde. Agad na inutusan ni Viaje ang dalawang enforcers na isurender ang kanilang mga IDs at uniforms na inisyu sa kanila ni Wilson Chan, Sr., na siyang chief of operations

“Tinanggal na ni MTPB Director Viaje ‘yung dalawang kotong enforcers para di pamarisan. As you all know, our policy is one-strike policy, nothing more nothing less. There are no second chances,” sabi ni Moreno.

Pinasalamatan din ng alkalde ang netizen na kumuha ng video at tiniyak na nakarating ito sa kanyang tanggapan at sa tanggapan ni Viaje.

Hinikayat din ni Moreno ang lahat ng netizen na tulungan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na linisin ang mga tiwaling kawani at tiniyak naman ng alkalde na ang pagkakakilanlan ng nagbigay ng impormasyon ay mananatiling lihim.

Sinabi rin ni Moreno na ang lahat ng ipinapadalang reklamo at impormasyon ay bineberipika at kapag nagpositibo ay agad na gagawan ng aksyon, tulad ng nangyari sa dalawang traffic enforcers.

“Pahinga muna sila. Pagdating sa ganitong uri ng gawain, one-strike policy talaga tayo. Wala akong tolerance sa kotongero,” giit ni Moreno.

Muli ay inulit ni Moreno ang kanyang babala sa lahat ng miyembro ng MTPB at iba pang kawani ng gobyerno na malakas na ang loob ng mga netizen na i-report ang anumang katiwalian sa pamahalaang lungsod.

Sa kabilang banda ay pinuri ni Moreno ang MTPB personnel na bahagi ng First Responder Unit (FRU), sa ginawa nitong pagtulong sa mga motoristang naaksidente.

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang mga enforcers na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay patuloy na nagmamando ng daloy ng trapiko. Nakita ng alkalde ang post ng isang netizen kaugnay ng enforcer na sa kabila ng baha at malakas na buhos ng ulan ay patuloy sa kanyang pagmamando ng trapiko sa isang kalye sa Maynila.

Nito lamang September 2, ay sinibak ni Moreno ang dalawang traffic enforcers na na-videohan na nangongotong sa isang motorista sa Binondo, Manila. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More