Advertisers

Advertisers

PACMAN, PANALO MUNA BAGO RETIRO

0 39

Advertisers

“MOST likely, a December fight, if not then early January”, ang pahayag ni DAVID SISSON, personal assistant ni boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO.

Niluluto na ng kampo ni PACQUAIO ang target na laban sa mas mabilis na slot dahil sa Disyembre 17 na tutuntong sa 43rd birthday ang boxer-politician.

Katatapos lang matalo ni PACMAN kay Cuban YORDENIS UGAS sa 12- round unanimous decision na ikinagulat ng boxing followers. Matatandaang nahirapan si PACMAN, 42 kay UGAS, 35, nitong nagdaang Agosto 22 sa Las Vegas, Nevada, U.S.A.. Mas maraming pinakawalang patama si UGAS at talagang nagpakita naman ng husay sa match. Meanwhile, depensa ng PACMAN camp, hindi napaghandaan ng boxing senator ang laban kay UGAS dahil sa biglaang switching ng match mula kay ERROL SPENCE na kinailangan umanong mag-undergo sa surgery ng retina/eye injury.

Ayon sa kababata at trainer na si BUBOY FERNANDEZ, importanteng maipanalo ni PACMAN ang susunod na laban dahil mali kung mananatili sa alaala ng boxing fans na nabigo ito sa huling laban kayUGAS. Kailangang maipanalo ni PACMAN ang susunod na match pero na kayPACMAN ang final decision.

Hangad ng bawat Pinoy ang graceful exit para kay PACMAN.

Dating nagpahayag ito ng retirement pero ilang beses bumalik sa ring. May panalo at talo pero iba ang impact ng PACMAN-UGAS match dahil bugbog-sarado ito kaya umariba ng sigaw ang fans na pabor sa retirement niya. Wala na nga kasing dapat patunayan ang nag-iisang 8-Division World Boxing Champion.

Maganda ang punto ng PACMAN camp na panalo muna bagoretiro pero ‘what if’ pa rin ang inaalala ng boxing fans sa takot namaulit pa ang pagkatalo nito o malagay sa risk ang health. Huwag na lang sanang mabawasan pa ang belt, but then as mentioned, wala namang dapat patunayan pa. Abangan din natin ang tatakbuhin ng political ambition ng Pambansang Kamao na potential candidate for presidency at dedma sa bashers na matayog ang ambisyon nito para sa highest position ng bansa, much to think of his criticized poor educational background.

Nakatutok ang fans sa nakaraang remarks ni PACQUIAO,‘Either I will run for president or senator ..or not at all and giveup in politics and concentrate in boxing.’ Let ‘s wait and see, OBIENA, BAGONG GOLD MEDALIST AT INSPIRASYON

MULING naitala ang latest gold record ng bansa sa nasungkit na gold medal ni ERNEST ‘EJ’ OBIENA sa 17th International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria at 5.93 meters, amazing plus sa recent 11th place journey niya sa TOKYO OLYMPICS na nagtampok kay HIDILYN FRANCISCO DIAZ, weightlifting champion sa naiuwing 1stgold medal ng Pinas sa Olympics.

Bagong inspirasyon ang title niyang Best Asian PoleVaulter in the World, particularly in Asia at 25 y/o only, bagonginspiorasyon muli sa mas humuhusay na Pinoy athletes. Congrats!

SEPTEMBER CHEERS

MANY happy returns of the day to FERDIE CANDELARIA of Public Information Office, Mandaluyong LGU. Stay safe, loved and blessed. HAPPY birthday to AHRON JAY SANTOS of Bataan and ROUELLACORDERO of Makati. May you all have the best blessings. HAPPYREADING!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More