Advertisers

Advertisers

PFF inilantad ang WNT roster para sa AFC Asian Cup qualifiers

0 73

Advertisers

INILANTAD ng Philippine Football Federation ang final roster ng Philippine Women’s Football Team para sa parating na AFC Women’s Asian Cup India 2022 qualifiers na magsisimula sa Sept.18, 2021 sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang Malditas ay pamumunuan ni national team veterans Inna Palacios at Hali Long,ang team captain at co-captain , ayon sa pagkakasunod.

Ang pitong players na kumatawan sa bansa noong 2019 Southeast Asian Games ang tinawag sa team – Chelo Hodges, Tara Shelton, Patricia Tomanon, Sara Castaneda, Charisa Lemoran,Camille Rodriguez, at Alisha del Campo.

Ryley Bugay, Sofia Harrison, Tahnai Annis, Anicka Castañeda, Rocelle Mendaño, Jessica Miclat and Camille Wilson ay bumalik rin sa pangkat.

Olivia Davies McDaniel, Malea Cesar, Chandler McDaniel and Alyssa Ube ang mga bagito sa Women’s National Team, Habang sina Isabelle Mapanao and Arianna Lepage ay umakyat mula sa Youth squad sa Women’s Team.

Ang squad ay gagabayan ni head coach Marlon Maro kasama ang assistant coaches Michael Agbayani,Jose Maria Aberasturi, Marlon Pinero, Anthony Albao at Rose Ton Barinan.

Ang Pilipinas ay nalagay sa Group F, kabilang ang Nepal at Hong Kong. Unang makakaharap ng Malditas ang Nepal sa Sept 18 at Hong Kong sa Sept. 24 sa JAR Stadium.

Huling nakasagupa ng Malditas ang HongKong sa Southeast Asian Games sa 2019. kung saan tabla sa 1-1 . samantala ang Pilipinas ay huling nakalaban ang Nepal noong 1999.

Ang Pilipinas ang pinakataas na ranked team sa Group F sa No.68. ang HongKong ay nasa ranked 78th sa world, habang ang Nepal ay rated 101st.

Mahigit isang buwan na pinaghandaan ng Malditas ang qualifiers, kung saan ang team ay nag set up ng camp sa Irvine, California.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More