Sanya excited na sa Book 2 ng ‘First Yaya’ na ‘First Lady’; Mark at Lolit utangan isyu, marami na ang sumawsaw
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DAHIL na rin sa overwhelming success ng kauna-unahang seryeng pinagtambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez ay maraming followers ng naturang serye ang humihiling sa GMA management na bigyan ng book 2 ang “First Yaya”.
Lalo pa ang ending nito ay kinasal na ang dalawa. Hindi kasi maubos maisip ng mga fans ng serye kung ano na ang magiging istorya ng pagmamahalan nina First Yaya at Presidente, dahil sa book 2 ay magiging First Lady na si Sanya.
“Naririnig ko lang pero wala pa pong confirmation from management. So wala akong masasabi kasi I believe na hangga’t hindi nagga-grind ang camera at napapanood ko ang sarili kong umaarte, ayoko munang magsalita about any project na napababalitang gagawin ko,” say ni Sanya.
Excited din naman kaya si Sanya na gawin ang book 2 tulad ng naramdaman niyang excitement noong gawin niya ang “First Yaya”?
“Actually, excited ako kasi kung totoong magiging First Lady na ang character ko, si Melody, mas napakaraming puedeng mangyari, di ba? Yaya pa lang, andami ng intriga. What more kung asawa na siya ng presidente, right? Sabi nga namin ng mga nakasama ko noon, tiyak na magiging mas maintriga at mas masaya ang itatakbo ng story,” dagdag pang say ni Sanya.
***
MUKHANG hindi maiiwasan ni Mark Herras ang isyu hinggil umano sa pag-utang niya ng halagang 30k sa dating manager na si Lolit Solis. Lumikha rin ito ng ingay hanggang dumating pa sa punto na nagkanya-kanya ang dalawa. Maraming nakisawsaw at tila hindi naagapan agad ang naturang tsika kaya para sa katahimikan ng dalawang kampo ay minabuti na nilang maghiwalay na muna.
Ngayon ay nasa pangangalaga na ng GMA Artist Center si Mark at muling ipinakilala sa bansa bilang isa sa member ng “Signed For Stardom” kasama ng iba pang baguhan sa GMAAC ay pumirma sila ng kontrata at sinaksihan ng mga big bosses ng GMA7 sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon at ipinalabas sa “All Out Sunday” kamakailan.
At kung inaakala ni Mark na mananahimik na ang tsikang utangan ng 30k ay tila nagkakamali siya dahil dinagsa naman siya ng mga personal messages na nagsasabing kaya nilang bigyan ng halagang inuutang si Mark.
Sa sariling blog site ay ibinulgar ni Mark na sa kalagitnaan halos ng intriga ay may nagpapadala na sa kanya ng mensahe na nagpaparamdam. At hindi agad naputol, bagkus nagpatuloy pa.
“Tapos nu’ng nangyari ’yong recently’ng issue ang daming nag-DM sa akin na mga LGBT. Tulad na lang ng ganito.
‘Hi, Mark! Hi, I can help!’ saad sa isang private message na naresib ni Mark.
“I’m not judging them. Maganda naman ’yong thought. Medyo in-assume ko lang na papunta doon. Pero so far wala pa naman ’yong rekta. Wala pa naman ako natanggap na rekta na talagang ‘Mark, bigyan kita ng pera.’ ’Yon. Wala, wala pa naman,” say pa rin ng aktor.