Advertisers

Advertisers

Sayyaf arestado sa Quezon City

0 77

Advertisers

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang isang Abu Sayyaf member sa isinagawang  operasyon sa Culiat, Quezon City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang naaresto na si Albazir Abdulla y Hamski alyas Abu Saif.

Base sa impormasyong natanggap ng NBI-CTD, isang Abu Saif na sangkot sa 2001 Golden Harvest Plantation Kidnapping.

Natukoy naman ng victim-witness si Abu Saif sa CTD  photo line-up na isa sa mga kidnappers at miyembro ng ASG.

Isinagawa ang serye ng casing and surveillance operations ng NBI-CTD sa coordination ng kanilang  counterparts mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), upang nakakuha pa ng karagdahang mga impormasyon kung saan nalaman ang bahay ni Abu Saif.

Naaresto ang suspek sa Salam Compound, Brgy. Culiat, Quezon City.

Kasalukuyan nang nakakulong sa  NBI Detention Facility ang suspek.

Ayon kay Distor, ang suspek ang pangalawang miyembro ng terrorist group ASG na naaresto ngayong taon.(Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More