Advertisers

Advertisers

57 lugar sa NCR isinailalim sa granular lockdown

0 277

Advertisers

NASA 57 na lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa granular lockdown na tatagal ng 14 araw.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, halos lahat ng Local Government Units sa National Capital Region (NCR) ay magpapatupad ng granular lockdown.

Hindi naman binanggit ni Malaya kung saan ang mga apektadong lugar sa Metro Manila.



Ipinauubaya na rin sa mga LGUs ang desisyon kung magbibigay ng abiso sa mga nasasakupan bago sila i-lockdown.

“We will leave it now to the discretion of the local government units kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang o magbibigay sila ng advanced warning,” ani Malaya.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with alert level status 4 mula Setyembre 16-30. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)