Advertisers

Advertisers

DepEd handa na sa face-to-face classes

0 579

Advertisers

GO signal na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay ng Department of Education (DepED) at ikakasa na ang face to face classes sa ilang piling paaralan.

Ayon kay Education Secrteary Leoner Briones, nasa 120 pampubliko at pribadong paaralan ang pinayagan na magsagawa ng face to face classes matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral kung dapat na bang payagan ang face to face classes.

Aniya, mula sa 1,900 na paraalan ay mahigpit itong sinala kaya 120 eskwelahan lang ang pinayagan.



“We initially identified 1,900 schools, then it was reduced to 600 plus schools… now we are ready to implement face-to-face classes in 100 public schools and 20 private schools. We are just waiting for the go signal from the President,” ani Briones.

Naging prayoridad na makapag-face to face learning ang mga batang mag-aaral dahil kailangan nilang matuto ng tamang asal, pakikihalubilo sa kapwa at pagbuo ng study habits, base na rin sa payo ng mga eksperto.

Sa tala ng DepEd, nasa 27.5 milyong mag-aaral ang naka-enroll sa online learning na nagsimula mula nang magkaroon ng pandemya. (Jonah Mallari)