Advertisers
VIRAL ang video ng isang estudyante mula sa Negros Oriental na walang tigil sa pag-iyak nang mahirapang sagutan ang kanyang module dahil nakasanayan nito ang lengguwaheng English.
Ayon sa kanyang inang si Rodgeville Ferrater, hirap umintindi ng Tagalog ang kanyang anak na si Alex dahil nasanay sa English ang bata sa pinapanood na mga pelikula.
Tagalog aniya ang lengguwaheng ginagamit sa module at masyado rin daw mahahaba ang mga pangungusap.
Dahil dito, ayaw nang sagutan ng bata ang module at nauwi sa paghagulgol.
Suhestiyon ni Ferrater, dapat simplehan nalang ang mga pangungusap sa module, paikliin at i-proof read bago ipamigay.