Advertisers

Advertisers

Mommy patay, 2 anak sugatan sa tama ng kidlat sa loob ng bahay

0 249

Advertisers

ILOILO – Patay ang isang ina at sugatan ang dalawang anak nito nang tamaan ng kidlat sa Barangay Jaguiquican, Lauaan, Antique.

Kinilala ang nasawi na si Lourdeliza Vergara Trogo, 34 anyos; at ang mga sugatang anak nito na sina Princess Jauod, isang taon gulang at Rutchel Jauod, 4.

Ayon kay Lt. Ariel Artillero, hepe ng Lauaan Municipal Police Station, nagluluto ng hapunan ang ina nang tinamaan ng kidlat ang kanilang bahay.



Sugat sa ulo, dibdib at hita ang tinamo ng ina na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay at sugat naman sa kilikili at tiyan ang tinamo ng magkapatid.