Advertisers
MAHIGPIT na pinaalalahanan ang publiko na hindi papayagan mag-dine-in sa mga fastfood at restaurant ang mga hindi bakunado at walang maipakita na vaccination card.
Ayon sa Restaurant Association of the Philippines (RestoPH), mahigpit nilang ipatutupad ang No vaccination card, no dine-in policy.
Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 4 status ng General Community Quarantine mula Setyembre 16-30.
Sa ilalim ng Alert Level 4, pinapayagan ang al fresco dining, subalit limitado lang sa 30% capacity, at open maging sa mga hindi fully vaccinated habang ang 10% dining ay ekslusibo lamang sa mga fully vaccinated.
Paalala ni Resto PH President Eric Teng, may ipapaskil sila sa mga establisimyento upang magsilbing paalala sa mga costumers na ilabas ang kanilang vaccination cards at kung walang maipakita ay maari namang mag-dine-in sa mga open spaces.
Mayroon ding promos at discounts na alok ang mga restaurants para sa mga frontliners. (Jonah Mallari)