Advertisers
TINANGGAL na ang liquor ban sa Maynila. Palakpakan ang mga sunog baga. Hehehe…
Obkors!!! dahil libre na ngang uminom ng alak, bukas na uli ang mga bahay-laklakan lalo’t binabaan narin ang curfew hours, 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.
Pero nire-require ng mga business establishment na ito “only fully vaccinated” ang maaring pumasok. “Present your vaccine card”. Okey!
Aprub narin sa atin ito. Para narin ito sa safety ng bawat isa. Dahil nga nandiyan parin ang Covid-19. Makakaalpas lang tayo sa pandemya ng Covid-19 at virus ng grabeng korapsyon kapag bago na ang administrasyon sa Mayo 2022. Oo maghalal tayo ng matino, walang sayad, hindi bolero, hindi sinungaling, hindi bastos at hindi protektor ng mga Chinese drug lords at mandarambong. Mismo!
Oo nga pala, 13 days nalang at simula na ng filing ng Certificate of Candidacy, October 1-8. Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapagdeklara ng kandidatura ang mga inaasahang politiko tulad nina Vice President Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao, dating Senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Tanging ang tandem nina Senador Ping Lacson at Sen. Tito Sotto palang ang opisyal na nakapag-anunsyo ng kanilang tandem. Kaso mukhang ‘di sila tanggap ng mga Pinoy. Kaya hindi malayong maagang umatras ang tandem na ito. Mismo!
Inanunsyo naman ng spokesman ni Mayor Sara na hindi na tatakbong Presidente ang presidential daughter. Mag-reelect nalang daw ito. Hmmm…
Inaantabayanan naman ng marami ang pagdeklara ni VP Leni this coming week.
Sabi ng aking mga tiktik, nakakalat na sa kanyang mga lider ang campaign paraphernalias ng biyudang ito ng the great DILG Secretary na si Jessie Robredo. Ayos!
Mukhang tuluy tuloy narin si Mayor Isko. Nakakalat narin ang kanyang mga lider nationwide eh.
Anyway, malalaman natin ang final answer sa lahat ng ito this coming week. Wish natin mag-tandem sina Leni at Isko at magre-elect nalang si Sec. Pacman. Sana… Subaybayan!
***
Mukhang ‘di na aabutin ng eleksyon at madadale si Pangulong Duterte at kanyang mga “hitmen” sa kaso sa kanila ni dating Senador Antonio Trillanes sa International Criminal Court (ICC).
Nagpalabas na ng order ang ICC ng full investigation laban sa ‘war on drugs’ ni Duterte, kungsaan higit sa 10,000 suspected drug pushers/addict ang nasawi, hindi pa kasama rito ang mga “collateral damage” na mga musmos.
Kasama sa mga sinampahan ng kaso ni Trillanes sina dating Chief PNP ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, at dating Justice Sec. ngayo’y Napolcom Commissioner Vitaliano Aguirre.
Sabi naman ng Malakanyang, hindi sila nababahala sa ICC probe. Hindi raw sila makikipag-coordinate sa imbestigasyon. Hmmm… Let’s see!
***
Matindi na ang word war nina Pres. Duterte at Sen. Richard Gordon, ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committe na nag-iimbestiga sa mga katiwalian sa pagbili ng medical supplies ng DoH at DBM sa isang supplier na walang kapital pero nabigyan ng bilyon bilyong kontrata dahil sa mga “bata” ni Digong na sina Michael Yang at Christopher Lao. Lupet!
Tatawagan daw ni Duterte si Dracula at ipasipsip ang dugo at taba ni Gordon. Hehehe… Para rin siyang si Pastor Quiboloy na nagsabing siya ang Lord at huling pipirma bago ka makaakyat sa langit. Boom!!!