Advertisers

Advertisers

Bukod sa COVID-19, harapin iba pang sakit… BONG GO: PALAKASIN ANG LABAN VS TB

0 202

Advertisers

HABANG patuloy na nilalabanan ng bansa ang COVID-19 pandemic, sinabi ni Senator at Senate Committee on Health chair Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi rin dapat bitiwan ng pamahalaan at ng bawat isa ang paglaban sa iba pang malalang sakit na gumugupo sa maraming Filipino.

Sa pagdinig ng nasabing komite na pinangunahan ni Sen. Go, nagpahayag ang mambabatas ng pagsuporta sa panukalang nagsusulong na lalo pang palakasin ang pambansang programa upang masugpo ang tuberculosis.

Ayon kay Go, ang tuberculosis o TB ay ilang dekada nang pangunahing problema sa pangkalusugan ng publiko at ng bansa.



Noong 2010, ang TB ay ika-6 sa nangungunang sanhi ng mortality.

“According to the World Health Organization report last 2019, about 1 million Filipinos have active TB disease. The WHO (World Health Organization) also reported in 2020 that the Philippines has the highest TB incidence rate in Asia,” ani Go.

Sinabi ni Go na sa paghahanap at paggagamot kaagad sa mga pasyente ng TB, ipinaliwanag ni Go na ang maagang pagtukoy sa kaso ay isang mahalagang aktibidad, ayon na rin sa Kagawaran ng Kalusugan at ng WHO.

“This will help reduce the spread of TB and set the course for its elimination,” ani Go.

Inihain ni Go ang Senate Bill No. 1748 para palakasin ang programa sa pagsugpo sa tuberculosis at tiyaking magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng bansa na mapigil ang mga pagkamatay sa sakit na ito.

Ang SBN 1748 ay may layong iamyenda ang Republic Act No. 10767, mas kilala bilang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act. Sa panukala, magkakaroon o lilikha ng TB registry and monitoring system na siyang tugon sa isyu ng “underreporting” ng kaso ng TB na natukoy sa 2016 National TB Prevalence Survey.



“So as to achieve solutions for the current gaps in the program, the bill seeks to provide a TB registry, monitoring and surveillance system. To further help TB patients, this proposal will also expand PhilHealth’s benefit package to include new, relapse and return-after-default cases, and provide extension of treatment,” paliwanag ni Go.

Nais din ng panukala na palawakin ang benefit package sa Philhealth ng pasyenteng matanda at bata at isama ang coverage ng multidrug resistant tuberculosis t extensively drug resistant tuberculosis.

Suportado naman ng DOH ang panukala ni Go sa pagsasabing halos 5 taon matapos ang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act enactment, ang TB ay nananatiling isa sa public health concerns sa bansa.

“Magmalasakit po tayo sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong upang maalagaan ang kanilang kalusugan. Bigyan po natin sila ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal kahit saan mang parte sila ng bansa,” sabi ni Go.

“Bilang chair ng Senate Committee on Health, makaaasa din po ang ating mga kababayan na hindi natin sila bibiguin at patuloy nating ipaglalaban ang mga polisiya na magtataguyod ng komportableng buhay para sa kanila. Kalusugan po ng ating mga kababayan ang pangunahin nating konsiderasyon,” idinagdag ng senador.