Advertisers
KINUMPIRMA ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac ang pagkamatay ng ikatlong Filipino seafarer dahil sa pag-atake sa northern Black Sea.
“Noong nakaraang linggo, dalawa ang deceased pero ang iuulat ko ngayon, may isang nadagdag na nasawi. So tatlo na po ang nasawi natin sa northern Black Sea attacks sa ships docked in Ukrainian ports,” sinabi ni Cacdac nitong Sabado, Agosto 1.
Bagama’t hindi pina-ngalanan ni Cacdac ang biktima at ang eksaktong loka-syon nito, sinabi ng opisyal na lilipad siya patungong Romania sa Agosto 3 para bisitahin ang morgue kungsaan dinala ang labi ng Filipino seafarer.
Magbibigay din ng buong tulong at suporta ang admi-nistrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pamilya ng nasawing seafarer.
Samantala, iniulat ni Cacdac na mayroong 236 Filipino sa 17 inatakeng barko sa lugar.
Ligtas ang 217 sa mga ito at may 15 ang nasaktan. Walumput siyam ang napauwi na sa bansa, kabilang ang siyam sa mga nasaktan.
Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Foreign Affairs, ship owners, at manning agencies para sa pagbibiyahe naman ng labi ng tatlong seafarer.
“Mataas ang antas ng pa-nganib kaya kailangan wala po munang Filipino seafarers in that area,” giit ni Cacdac.